Alamat ng Bundok Pinatubo
(Alamat ng Luzon)
Masagana
ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat
ng araw. Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sa paligid. Masigla
ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay
hindi nakasiya sa Datu. Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.
Malungkot
na nakapanungaw ang Datu. Nakatuon ang ma paningin sa bughaw na kabundukan.
Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga siya ng malalim.
“Malungkot
na naman kayo, mahal na Datu,” narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu.
Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa “Konseho ng
Matanda.”
“Ikaw
pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan,” at
nagbuntung-hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana.
“Nakita
mo ba ang bundok na iyon?” nagtaas ng paningin ang Datu.
“Oo,
aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?” tanong ni
Tandang Limay. Napag-usapan na ng “Matatanda” ang napapansin nilang
pagkamalungkutin ng Datu. Siya nga ang naatasang magsiyasat tungkol dito.
Doon
ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso. Natatandaan mo marahil na malimit
akong mag-uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay.
“Opo.
Kayo, mahal na Datu, ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon. Napabantog
sa ibang kaharian ang inyong katangian sa pangangaso,” sang-ayon ni Tandang
Limay.
“Iyan
ang suliranin ko ngayon. Para bang gustong-gusto kong magawa uli ang mga bagay
na iyon, ngunit napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon.
Napakalayo na ang mga pook na iyon para sa mahina kong katawan,” at muling
nagbuntung-hininga ang Datu.
“Hindi
na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo. Ngunit maaari naman kayong
magkaroon ng ibang libangan,” pasimula ni Tandang Limay.
“Bahagi
na ng aking buhay ang pangangaso. Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung
iba ang aking magiging aliwan,” malungkot na umiling ang Datu.
Naging
usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang
bayan ang pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok.
Makalipas
ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na siya at
mabalasik ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya,
prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.
Nagbigay
ng kaukulang paggalang ang panauhin.
“May
magandang panukala ako tungkol sa inyong suliranin kung inyong mamarapatin,
mahal na Datu”, saad ng salamangkero.
“Sabihin
mo at handa akong magbayad sa inyong kapaguran,” turing ng Datu.
“Magpapatubo
ako ng isang bundok sa kapatagan ng Masinlok na malapit sa inyong palasyo para
sa inyong pangangaso ipakasal lamang ninyo sa akin si Prinsesa Alindaya,”
pahayag ng panauhin.
“Kung
matutupad mo ang iyong sinabi ay ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking anak,”
mabilis na pasiya ng Datu.
Madaling
kumuha ng isang maliit na batumbuhay ang salamangkero. Ito’y parang isang
batong mutya.
Itinanim
niya itong tila isang binhin ng halaman. Biglang-biglang sumipot sa pinagtamnan
ang isang maliit na puno. Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki nang lumaki hanggang
sa maging isang bundok.
“Aba,
anong laking bundok! Di ba iyan tumubo sa itinanim na batong mutya ng
salamangkero?” paksa ng usapan ng mga tao.
Samantala
sa palasyo, iniluhang gayon na lamang ni Prinsesa Alindaya ang naging pasiya ng
ama. Ipinagdamdam niya nang labis na tila siya ay kalakal na ipinagpalit lamang
sa isang bundok. At sa lalaki pa namang kanyang kinamumuhian. Laging lumuluha
ang magandang prinsesa. Nagkaroon siya ng karamdaman. Naging malubha ang
kanyang sakit. Dumating ang araw na itinakda ng Datu sa pagkuha sa kanya ng
salamangkero.
“Ikinalulungkot
ko na hindi ko mapasasama sa iyo ang aking anak. May sakit ang mahal na
prinsesa. Magbalik ka sa ibang araw,” saad ng Datu sa salamangkero.
Umuwing
masamang-masama ang loob ng matanda. Galit na galit siya sa Datu. Sinapantaha
niyang gusto na nitong sumira sa usapan. Nagulong gayon na lamang ang kanyang
loob. Lagi niyang naiisip si Prinsesa Alindaya at ang kanyang kabiguan. Hindi
niya napansing palaki nang palaki ang bundok. Ito’y kanyang nakaligtaan.
“Mahal
na Datu, halos natatakpan na po ng bundok ang buong kapatagan. Malapit na pong
humangga ang bundok sa tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga tao,”
sumbong ng matatanda sa Datu.
“Hulihin
ngayon din ang salamangkero. Putulan siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala sa
kaharian ang bundok na pinatubo niya,” mabalasik na utos ng hari. Natakot siya
sa maaring mangyari sa kaharian.
Namatay
ang salamangkero ngunit patuloy pa rin sa paglaki ang bundok. Araw-araw ay
pataas ito nang pataas na lalong ikinabahala ng mga tao. Walang maisipang gawin
ang Datu. Palubha nang palubha ang suliranin.
Nakaabot
ang balita hanggang sa malalayong kaharian. Nakarating iyon sa pandinig ni
Prinsipe Malakas ng Pangasinan. Balita siya sa taglay na lakas at kabutihang
loob. Agad siyang naglakbay patungong Masinlok. Humarap sa Datu ang matikas na
prinsipe.
“Nakalaan
sa inyo ang aking paglilikod, mahal na Datu,” magalang na badya niya.
“Nakalaan
akong magbigay ng kaukulang gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay kapag
nagtagumpay ka. Lunasan mo ang suliranin ng kaharian, Prinsipe ng Pangasinan,”
pahayag ng Datu.
Wala
po akong hinihintay na gantimpala, aking Datu. Tayo na sa labas.
kahoy.
At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa
pagbalikat ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at
ihinagis ang bundok sa lugal na kinaroroonan nito ngayon.
Bumalik
ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunying mga tao. Galak na
galak ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos
niya ang malaking pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing
iyon.
Gabi
ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu.
Walang alis ang tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng
magandang prinsesa. Walang humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang
pagsasayaw nito.
Kiming
umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siya’y tahimik na nakatungo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento