Lunes, Hunyo 3, 2013


Chapter 15 NCR – National Capital Region


Metropolitan Manila (FilipinoKalakhang Maynila) or the National Capital Region (NCR) (FilipinoPambansang Punong Rehiyon) is the capital of the Philippines and among the world's thirty most populous metropolitan areas. Metro Manila is one of the two defined metropolitan areas in the Philippines, the other being Metro Cebu.

Metro Manila is the metropolitan area that contains the city of Manila, as well as sixteen surrounding cities and municipalities, including Quezon City, the capital from 1948 to 1976. Metro Manila is the political, economic, social, and cultural center of the Philippines, and is one of the more modern metropolises in Southeast Asia. Among locals, particularly those from Manila proper and those in the provinces, Metro Manila is often simply referred to as Manila; however locals from other parts of the metropolis may see this as offensive, owing to city pride and also the fact that some cities are actually geographically closer to the neighboring provinces than to Manila itself. Metro Manila is often abbreviated as M.M.. The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) is located in Makati City.
Metro Manila is the smallest of the country's administrative regions, but the most populous and the most densely populated, having a population of 9,932,560 (2000 census) in an area of only 636 square kilometers. It is also the only region without any provinces. The region is bordered by the provinces of Bulacan to the north, Rizal to the east, and Cavite and Laguna to the south. Metro Manila is also sandwiched by Manila Bay to the west and Laguna de Bay to the southeast with the Pasig River running between them, bisecting the region.
The term Metro Manila should not be confused with the metro rail system of the region, and the word metro itself always describes the metropolitan area (as in the metro). The railways are called by their abbreviations, such as the LRT and the MRT, also known as Light Rail Transit and Metro Rail Transit, respectively.
On paper, Manila is the designated capital and seat of the Philippine government, but in practice, the seats of government are all around Metro Manila. The executive and administrative seat of government is located in Manila, so is the judiciary. The upper house of the legislature (Senate of the Philippines) is located in Pasay City, and the lower house (House of Representatives of the Philippines) in Quezon City.





Linggo, Hunyo 2, 2013


GEOGRAPHICAL LOCATION

The National Capital Region or NCR is the center of Luzon and capital region of the Philippines. The Cordillera Mountains forms its boundary on the east, Laguna de Bay on the southeast, Central Luzon on the north and Southern Tagalog region on the south.

It is composed of the cities of Manila, Kalookan, Las Pinas, Makati, Mandaluyong, Marikina, Paranaque, Muntinlupa, Pasay, Pasig and Quezon City. Pending ratification for city hood through plebiscites by their respective residents are the municipalities of Taguig, Valenzuela, and the industrial district of Novaliches in Quezon City. The municipalities of MM are Navotas, Malabon, Pateros and San Juan.

Its total land area of 636 10 sq. kms. includes residential, industrial, institutional and agricultural areas and unclassified public forests. MM is divided into 6 zones: Manila Bay, Coastal Margin including its reclaimed area, Laguna de Bay, Guadalupe Plateau, Marikina Valley and Laguna Lowland

POPULATION

In 2000, the region’s population was 10,492,000 which increases to more than 13 million during daytime due to a large workforce residing in the areas adjoining the metropolis but working in the city.


CULTURAL GROUPS

Metro Manila is composed of almost all the cultural groups of the Philippines. The principal language used is Tagalog with English as the secondary language. 


CLIMATE

The dry season is from November to May and the rainy season from June to October. April and May are normally its warmest months. 


FACILITIES

The metropolis has one of the first-class harbors in Asia. The Manila Bay opens out into South China Sea and is a gateway to Asia.

Metro Manila is considered the country's premier business region with adequate facilities and services in transportation, housing and commercial infrastructure, communications, power supply and recreational facilities. It has world-class malls and commercial centers.

It has excellent seaport facilities and an international airport supplemented by the seaports of international standards in Batangas City and Subic Bay, Olongapo and by the Clark International Airport in Angeles City. The government has envisioned an integrated road network and mass based rail transport system within the metropolis.

Makati City is the premier business and financial district, although other areas are being developed such as the Ortigas Center in Pasig City, the Filinvest Corporate Center and Fort Bonifacio, Makati City.

Ni Corazon de Jesus

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
Alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan
Mga apoy ng pawis mong sa balak ay kumikinang,
Tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
Nang lutuin mo ang pilak, ang salapi a lumitaw,
Si puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
Kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan;
Mula sa duyan ng bata ay kamau mo ang gumalaw,
Hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat kailain at itanghal,
Pagkat ikaw ang yumari nitong buong kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka nang buhay ng walang wakas,
walang hanggan;
At hihinto ang pag-ikot nitong mundo
pag namatay.

Alamat ng Bundok Pinatubo
(Alamat ng Luzon)




Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw. Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sa paligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu. Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas.


Malungkot na nakapanungaw ang Datu. Nakatuon ang ma paningin sa bughaw na kabundukan. Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga siya ng malalim.


“Malungkot na naman kayo, mahal na Datu,” narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu. Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa “Konseho ng Matanda.”


“Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan,” at nagbuntung-hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana.


“Nakita mo ba ang bundok na iyon?” nagtaas ng paningin ang Datu.


“Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?” tanong ni Tandang Limay. Napag-usapan na ng “Matatanda” ang napapansin nilang pagkamalungkutin ng Datu. Siya nga ang naatasang magsiyasat tungkol dito.


Doon ako sa mga bundok na iyon laging nangangaso. Natatandaan mo marahil na malimit akong mag-uwi ng baboy-ramo at usa sa aking ama at mahal ko sa buhay.


“Opo. Kayo, mahal na Datu, ang kinikilalang pinakamagaling sa pana noon. Napabantog sa ibang kaharian ang inyong katangian sa pangangaso,” sang-ayon ni Tandang Limay.


“Iyan ang suliranin ko ngayon. Para bang gustong-gusto kong magawa uli ang mga bagay na iyon, ngunit napakatanda ko na upang pagbalikan ang kabundukang iyon. Napakalayo na ang mga pook na iyon para sa mahina kong katawan,” at muling nagbuntung-hininga ang Datu.


“Hindi na nga ninyo makakayanan ang maglakbay nang malayo. Ngunit maaari naman kayong magkaroon ng ibang libangan,” pasimula ni Tandang Limay.


“Bahagi na ng aking buhay ang pangangaso. Hindi na rin ako makadarama ng kasiyahan kung iba ang aking magiging aliwan,” malungkot na umiling ang Datu.


Naging usap-usapan sa buong kaharian ang suliranin ng Datu. Nabalita rin sa ilang bayan ang pagkamalungkutin ng pinuno ng Masinlok.


Makalipas ang ilang araw, dumating sa palasyo ang isang salamangkero. Matanda na siya at mabalasik ang mukha. Malaki ang paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa Alindaya, prinsesa ng Masinlok ngunit malaki rin ang pag-ayaw nito sa kanya.


Nagbigay ng kaukulang paggalang ang panauhin.


“May magandang panukala ako tungkol sa inyong suliranin kung inyong mamarapatin, mahal na Datu”, saad ng salamangkero.


“Sabihin mo at handa akong magbayad sa inyong kapaguran,” turing ng Datu.





“Magpapatubo ako ng isang bundok sa kapatagan ng Masinlok na malapit sa inyong palasyo para sa inyong pangangaso ipakasal lamang ninyo sa akin si Prinsesa Alindaya,” pahayag ng panauhin.


“Kung matutupad mo ang iyong sinabi ay ibibigay ko sa iyo ang kamay ng aking anak,” mabilis na pasiya ng Datu.


Madaling kumuha ng isang maliit na batumbuhay ang salamangkero. Ito’y parang isang batong mutya.


Itinanim niya itong tila isang binhin ng halaman. Biglang-biglang sumipot sa pinagtamnan ang isang maliit na puno. Tumaas nang tumaas iyon. Lumaki nang lumaki hanggang sa maging isang bundok.


“Aba, anong laking bundok! Di ba iyan tumubo sa itinanim na batong mutya ng salamangkero?” paksa ng usapan ng mga tao.


Samantala sa palasyo, iniluhang gayon na lamang ni Prinsesa Alindaya ang naging pasiya ng ama. Ipinagdamdam niya nang labis na tila siya ay kalakal na ipinagpalit lamang sa isang bundok. At sa lalaki pa namang kanyang kinamumuhian. Laging lumuluha ang magandang prinsesa. Nagkaroon siya ng karamdaman. Naging malubha ang kanyang sakit. Dumating ang araw na itinakda ng Datu sa pagkuha sa kanya ng salamangkero.


“Ikinalulungkot ko na hindi ko mapasasama sa iyo ang aking anak. May sakit ang mahal na prinsesa. Magbalik ka sa ibang araw,” saad ng Datu sa salamangkero.


Umuwing masamang-masama ang loob ng matanda. Galit na galit siya sa Datu. Sinapantaha niyang gusto na nitong sumira sa usapan. Nagulong gayon na lamang ang kanyang loob. Lagi niyang naiisip si Prinsesa Alindaya at ang kanyang kabiguan. Hindi niya napansing palaki nang palaki ang bundok. Ito’y kanyang nakaligtaan.


“Mahal na Datu, halos natatakpan na po ng bundok ang buong kapatagan. Malapit na pong humangga ang bundok sa tabing-dagat. Wala na pong matitirhan ang mga tao,” sumbong ng matatanda sa Datu.


“Hulihin ngayon din ang salamangkero. Putulan siya ng ulo. Lubhang nakapipinsala sa kaharian ang bundok na pinatubo niya,” mabalasik na utos ng hari. Natakot siya sa maaring mangyari sa kaharian.

Namatay ang salamangkero ngunit patuloy pa rin sa paglaki ang bundok. Araw-araw ay pataas ito nang pataas na lalong ikinabahala ng mga tao. Walang maisipang gawin ang Datu. Palubha nang palubha ang suliranin.


Nakaabot ang balita hanggang sa malalayong kaharian. Nakarating iyon sa pandinig ni Prinsipe Malakas ng Pangasinan. Balita siya sa taglay na lakas at kabutihang loob. Agad siyang naglakbay patungong Masinlok. Humarap sa Datu ang matikas na prinsipe.

“Nakalaan sa inyo ang aking paglilikod, mahal na Datu,” magalang na badya niya.


“Nakalaan akong magbigay ng kaukulang gantimpala. Humiling ka kahit anong bagay kapag nagtagumpay ka. Lunasan mo ang suliranin ng kaharian, Prinsipe ng Pangasinan,” pahayag ng Datu.

Wala po akong hinihintay na gantimpala, aking Datu. Tayo na sa labas.

kahoy. At sa isang iglap din, ipinatong niya iyon sa kanyang likod na walang iniwan sa pagbalikat ng tinudlang baboy-ramo. Mabilis din siyang humakbang na papalayo at ihinagis ang bundok sa lugal na kinaroroonan nito ngayon.


Bumalik ang prinsipe at ang Datu sa palasyo sa gitna ng pagbubunying mga tao. Galak na galak ang kaharian. Pagdating sa palasyo, niyakap ng Datu ang prinsipe. Iniutos niya ang malaking pagdiriwang para sa karangalan ng prinsipe noon ding gabing iyon.

Gabi ng kasiyahan, nagsasayaw noon ang prinsesa pagkat nahilingan ng amang Datu. Walang alis ang tingin ng prinsipe sa magandang mananayaw. Nabatubalani siya ng magandang prinsesa. Walang humpay ang palakpak ng prinsipe matapos ang pagsasayaw nito.


Kiming umupo ang prinsesa sa tabi ng Datu. Siya’y tahimik na nakatungo.


“Ang aking anak, si Prinsesa Alindaya, mahal na prinsipe”, nakangiting pagpapakilala ng Datu. Yumukod ang prinsipe at ang prinsesa nama’y nag-ukol ng matamis na ngiti.